REVILLA KINALINGA ANG MGA BIKTIMA NG BAGYONG PAENG SA ZAMBOANGA

PERSONAL na namahagi ng tulong si Sen. Ramon Bong Revilla Jr. sa mga naging biktima ng Bagyong Paeng kasama sina Mayor John Dalipe at Congressman Khymer Olaso sa Barangay Tumaga at Barangay Sta. Maria sa Zamboanga City.

Libu-libong pamilya ang tuwang-tuwang sinalubong ang pagdating ng Revilla Team na may dalang Family Food Packs at relief packs na ipinamahagi sa mga tao upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Muli pinalakas ni Revilla ang loob ng mga taong tila pinanghihinaan ng desisyon sa buhay at nawawalan na halos ng pag-asa na biglang napawi ng makita nila ang butihing Senador.

“Huwag tayong panghinaan ng loob, paulit-ulit ko itong sinasabi dahil nakikita kong marami ang nawawalan ng pag-asa, tandaan natin na hindi ibibigay ng Panginoon ang pagsubok na ito kung hindi natin kaya” saad pa ni Revilla.

-30-

Edward Sodoy