REVILLA ININSPEKSIYON ANG NASIRANG INPRASTRAKTURA NG FLOOD CONTROL SA ZAMBOANGA

NABUHAYAN ng loob ng mga residente na naging biktima ng Bagyong Paeng matapos inspeksiyonin ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr ang nawasak na Floodway sa Barangay Sta Maria, Zamboanga City.

Kasama ni Revilla sa naturang inspeksiyon sina Mayor John Dalipe at Congressman Khymer Olaso na silang nagpaliwanag kung paano ang naging karanasan ng kanilang mga kababayan sa lupit ng pananalasa ng naturang bagyo.

Bago ang naturang inspeksiyon ay namahagi muna ng Family Food Packs at relief packs si Revilla sa libu-libong residente na karaniwan ay nawalan ng tahanan at marami ay naninirahan na lamang sa mga evacuation center.

Bilang Chairperson ng Senate Committee on Public Works ay hindi pumayag si Revilla na hindi personal na makita ang nasirang floodway upang mas mapabilis kung paano ito sisimulang kumpunihin.

-30-

Edward Sodoy