Higit isang milyong pasyenteng natulungan ng KAP program, mas pararamihin pa ni Senador Bong Revilla kung papalaring muling mahalal

Dadagdagan at mas pararamihin pa ni Senador Bong Revilla ang higit isang milyong benepisaryo ng kanyang Kalusugan Ating Pangalagaan (KAP) program. Ayon sa beteranong mambabatas, dadagdagan pa niya ang mga pasyenteng tutulungan ng kanyang programang pangkalusugan sa pamamagitan ng pagsulong ng mga mahahalagang batas. Ang mga pasyenteng ito ay dumaranas ng malalang sakit tulad ng kanser, diabetes, komplikasyon sa puso at mahahalagang organ ng katawan, aksidente at iba pang karamdaman.

Read More
PR Team