Mga probisyon ni Sen. Revilla, pasok sa 'Bayanihan to Recover as One Act'

1234567.jpg

 Pasok ang mga mungkahi ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. na nag amenda sa ilang probisyon ng S. No. 1564 o ang "Bayanihan to Recover as One Act." Una rito ang pagkakaloob ng emergency subsidy para sa mga low-income household sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), o may kaanak na Overseas Filipino Worker (OFW) na kauuwi lamang. Mabibigyan din ng emergency subsidy para sa isang buwan ang mga low income households na kwalipikado ngunit hindi nabigyan ng paunang ayuda ng pamahalaan. Bibigyan din ng COVID-19 Special Risk Allowance ang lahat ng public health worker sa bawat buwan na kanilang ipinaglingkod simula ng pandemya. Ipinasa na ng Senado ang S. No. 1564 sa ikatlo at huling pagbasa, Hulyo 28.

odyler villamor